QualityRights sa mental na kalusugan (FIL)
WHOA
Tunkol sa Kursong Ito
Ang kalusugan ng isip ay itinuturing na priyoridad sa kalusugan ng publiko, gayunpaman ang mga taong may mga kondisyon sa kalusugan ng isip at may mga kapansanang sikososyal ay madalas makaranas ng diskriminasyon, stigma, mababang kalidad ng pangangalaga at mga paglabag sa karapatang pantao.
Binuo ang kursong ito para magbigay ng malalim na pag-unawa sa isang holistiko, nakasentro sa tao, at batay sa mga karapatan na lapit sa kalusugan ng isip. Binubuo nito ang kinakailangang kaalaman at kasanayan para sa pagbibigay ng pangangalaga at suporta na nakasentro sa tao, nakatuon sa paggaling at nakabatay sa karapatan, at para sa pagtataguyod ng ingklusyon sa komunidad.
Ang kursong ito ay self-paced, interaktibo at dinamiko na may iba't ibang uri ng mga kagamitang pampagkatuto at mga talakayan kung saan maaari kang makipagpalitan ng mga karanasan, magtanong at matuto sa isa't isa.
Para kanino ang kursong ito?
Binuo para maging inhklusibong karanasan sa pagsasanay, ang pagsasanay na ito ay bukas sa lahat - sa mga manggagawa ng kalusugan, pangangalaga sa lipunan at iba pang mga sektor, mga gumagawa ng polisiya, mga ahente ng lipunang sibil, mga taong nagkaroon ng mga kondisyon sa kalusugan ng isip at may mga kapansanang sikososyal, mga pamilya at mas malawak na komunidad.
Para kanino ang kursong ito?
Tutulungan ka ng pagsasanay na ito na:
- Maunawaan at mapabuti ang sariling kagalingan at kalusugan ng isip
- Matutuhan kung paano susuportahan ang mga kaibigan, pamilya at mga miyembro ng komunidad na may problema sa kalusugan ng isip.
- Magkaroon ng kaalaman at kasanayan para harapin ang stigma, diskriminasyon, pang-aabuso, at mapilit na mga gawi.
- Matutuhan kung paano magbigay ng suporta sa kalusugan ng isip sa mga taong may kondisyon sa kalusugan ng isip o nakakaranas ng krisis
- Matutuhan kung paano aktibong isangkot ang mga tao sa kanilang sariling plano sa paggamot, pangangalaga at suporta, pagbibigay ng mga tool at pagbibigay kapangyarihan sa kanila na malampasan ang mga hamon
- Magkaroon ng kadalubhasaan at kasanayan para manguna sa reporma tungo sa isang lapit sa paggaling na nakasentro sa tao at nakabatay sa karapatan
Pagtatasa at Sertipiko
Makakatanggap ka ng WHO Academy Award of Completion kapag matagumpay mong nakumpleto ang lahat ng anim na modyul. Makakatanggap ka rin ng WHO Award of Completion para sa bawat isa sa mga modyul na matagumpay na nakompleto.
Ang pagkilalang ito ay naka-save sa iyong “My Achievements” na espasyo at maaaring i-download at ibahagi.
Karanasan sa pagkatuto
Ang kursong ito ay self-paced, interaktibo at dinamiko na may iba't ibang uri ng mga kagamitang pampagkatuto, kabilang ang mga quiz, video, factsheet at mga talakayan kung saan maaari kang makipagpalitan ng mga karanasan, magtanong at matuto sa isa't isa. Binubuo ng sumusunod na anim na modyul ang [agsasanay na ito
- Module 1: Mga karapatang pantao
- Module 2: Mga karapatang pantao, kalusugan ng isip at kapansanan
- Module 3: Legal na kapasidad at ang karapatang magpasiya
- Module 4: Pagwawakas sa pamimilit, karahasan at pang-aabuso
- Module 5: Serbisyong de-kalidad at pagiging kabilang sa komunidad
- Module 6: Kalusugan ng isip, well-being at pagpapagaling
Ang pagsasanay na ito ay binuo ng World Health Organization Policy, Llaw and Human Rrights Unit, Geneva, Switzerland, na may mahalagang kontribusyon mula sa maraming eksperto. Halimbawa, mga taong nakaranas mismo ng problema sa kalusugan ng isip, mga praktisyoner sa kalusgan ng isip, mga eksperto sa karapatang pantao, mga organisasyon ng mga taong may kapansanan, at iba pang mga may adbokasiya. Ito ay hosted na pagsasanay sa WHO Academy.